Browser issue

It looks like the browser you're using doesn’t work well with our website. For a better experience, please update to the latest version of Chrome, Edge, Firefox or Safari.

DCS hero logo

Tagalog

Narito ang Panimula sa Depositor Compensation Scheme (DCS).

Ano ang Depositor Compensation Scheme?

Ang Depositor Compensation Scheme (DCS) ay sinasaklaw ka ng hanggang $100,000 kungmabigo ang institusyong pinaglalagakan mo ngpera, basta’t ang iyong pera ay naka-depositosa mga account na protektado ng DCS.

Ang DCS ay isang programa ng gobyerno napinopondohan ng mga institusyong tumatanggapng deposito at pinangangasiwaan ng Reserve Bank of New Zealand – Te Pūtea Matua (RBNZ).

Bakit mahalaga ang DCS?

Kung ang isang institusyong tumatanggap ng deposito sa New Zealand ay mabigo, magbibigay ang DCS ng kompensasyon sa mga depositor ng hanggang $100,000.

Ang DCS ay nagbibigay ng kumpiyansa sa mga depositor na ang kanilang pera ay protektado, at tumutulong sa pagpapatatag ng sistemang pinansyal ng New Zealand.

Marami pang ibang bahagi ng mundo ang nag-aalok ng kahintulad na proteksyon para sa mga depositor. 

Ano ang ‘institusyong tumatanggap ng deposito’?

Ang mga institusyong tumatanggap ng deposito ay kinabibilangan ng mga bangko, unyon ng kredito, building societies, at mga kumpanya ng pananalapi na tumatanggap ng mga tingian na deposito.

Ano ang ‘depositor’?

Sinuman na nagmamay-ari ng kanilang pera, o mayroong pera na iniingat para sa kanila, sa isang account na protektado ng DCS. Kasama rito ang mga account para sa transaksyon, mga account ng ipon, account na may abiso, at mga terminong deposit na account.

Kailan nagkakabisa ang DCS?

Magkakabisa ang DCS sa 1 Hulyo 2025.

Paano ko malalaman kung ang aking pera ay protektado?

Ang iyong pera ay awtomatikong protektado kung ito ay nasa isang account na saklaw ng DCS, tulad ng:

  • Account para sa transaksyon
  • Account ng ipon
  • Account na may abiso
  • Terminong deposit na account

Mula 1 Hulyo 2025, ang iyong institusyon na tumatanggap ng deposito ay kinakailangang maglagay ng listahan ng mga deposito na saklaw ng DCS sa kanilang website. Magtanong sa iyong institusyon na tumatanggap ng deposito kung hindi ka sigurado kung ang iyong pera ay protektado.

Ang ilang mga depositor ay hindi kwalipikado para sa DCS, kabilang ang mga ahensya ng gobyerno.

Alamin pa ang mga detalye sa dcs.govt.nz.

Ano ang hindi saklaw ng DCS?

Ang ilang pera ay hindi protektado ng DCS, kabilang ang pera na nakalagay sa:

  • Mga bonds at iba pang mga produktong maaaring ipagpalit
  • Mga managed investment schemes (kabilang ang KiwiSaver at iba pang mga superannuation schemes na mga managed investment schemes).
  • Mga account na may banyagang pera.

Makipag-ugnayan sa iyong institusyon na tumatanggap ng deposito kung hindi ka sigurado kung ang iyong pera ay protektado ng DCS.

Kailangan ko bang magbayad para sa proteksyon ng DCS?

Walang direktang gastos mula sa iyo kapag inilagay mo ang iyong pera sa mga account na protektado ng DCS. Ang RBNZ ang mangongolekta ng bayad mula sa mga institusyon na tumatanggap ng deposito upang pondohan ang DCS.

Paano mag sign up?

Wala kang kailangang gawin upang maprotektahan ng DCS kung ang iyong pera ay nakalagay sa mga account na protektado ng DCS. Ang proteksyon ay awtomatikong magsisimula sa 1 Hulyo 2025.

Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon?

Makipag-ugnayan sa iyong institusyon na tumatanggap ng deposito o bisitahin ang  dcs.govt.nz

Magkano ang perang protektado?

Ang mga sumusunod na senaryo ay nagpapakita kung paano kakalkulahin ang kompensasyon sa oras ng pagkabigo ng isang institusyon na tumatanggap ng deposito.

Candice illustrationCandice (isahang account)

Si Candice ay may $2,500 sa isang account para sa transaksyon sa Bank A.

Wala nang ibang account si Candice sa Bank A o sa anumang ibang institusyon na tumatanggap ng deposito.

Makakatanggap si Candice ng $2,500 na kompensasyon kung sakaling mabigo ang Bank A.

Rashmi and Aiden illustrationsRashmi & Aiden (isahan at mga pinagsamang account)

Si Rashmi ay may $550 sa isang transaksyon na account sa Building Society B. 

Si Aiden ay may $8,000 sa isang account ng ipon sa Building Society B.

Si Rashmi at Aiden ay may $20,000 sa pinagsamang ipon na account sa Building Society B.

Makakatanggap si Rashmi ng $10,550 na kompensasyon kung sakaling mabigo ang Building Society B.

Kalkulasyon: $550 + ($20,000/2) = $10,550

Makakatanggap si Aiden ng $18,000 na kompensasyon kung sakaling mabigo ang Building Society B.

Kalkulasyon: $8,000 + ($20,000/2) = $18,000

Rawhiri illustrationRawiri (nag-iisang negosyante)

Si Rawiri ay isang may-ari ng maliit na negosyo (ang negosyo ay hindi nakarehistro bilang isang kompanya) na may $10,000 sa isang account para sa transaksyong pang-negosyo sa Credit Union C. 

Si Rawiri ay may $5,000 rin sa isang personal na account na ipon sa Credit Union C.

Makakatanggap si Rawiri ng $15,000 na kompensasyon kung sakaling mabigo ang Credit Union C.

Kalkulasyon: $10,000 + $5,000 = $15,000